-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakatutok na ngayon ang Disaster Risk Reduction and Management Office(DRRMO) sa Motiong, Samar sa clearing operation sa paligid matapos na binayo ng malakas na hangin at ulan epekto ng Bagyong Jolina.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Mathew Fabillar, Bombo correspondent iniulat nito na na itinaas sa signal number 2 ang kanilang lugar dahil sa masamang panahon.

Aniya, madaling araw ng naramdaman ang malakas na hangin na tinataya nitong nasa 80 kl/hr na sinabayan ng pag-ulan.

Hindi sila nakatulog sa gabi habang nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay at minomonitor ang sitwasyon.

Inihayag pa nitong nasaksihan ang paglipad ng ilang yero mula sa isang classroom ng paaralan.

Pagkaumaga ay bumuti na ang lagay ng panahon ngunit tumambad sa mga residente ang natumba na ilang mga punongkahoy, saging habang may report na may bahay na nasira.

Dagdag ni Fabillar, wala silang koryente simula pa kagabi.

Ngunit ngayon ay bumubuti na umano ang panahon sa kanilang lugar.