DAVAO CITY – Matibay ang basehan ng Mines and Geosciences Bureau sa kanilang inilabas na kautusan kung bakit kailangan itigil ang operasyon ng isang mining company na siyang dahilan ng siltation incident sa Pintatagan River at Maputi River na parehong sakop ng Banaybanay, Davao Oriental.
Kung maalala, nagpalabas agad ng kautusan si Governor Nelson Dayanghirang sa MGB na ipatupad agad ang pagpapatigil sa operasyon ng minahan para mapigilan ang grabeng epekto at ang posibleng idulot nito sa ilog sa nasabing lugar.
Tiniyak ngayon ng ahensiya na pipigilan nila ang operasyon sa mining company kung hindi nito mabibigyan ng solusyon ang problema at maaaring masampahan pa ito ng sanctions.
Sinabi rin umano ng mining company na gumagawa na sila ng hakbang para makontrola ang water discoloration at siltation at palalakasin pa ang environmental mitigating measures.
Una ng nagulat ng mga residente sa lugar ng biglang naging kulay orange ang ilog matapos ang walang tigil na ulan nitong nakaraang araw.