-- Advertisements --
Gen Vinluan
Maj. Gen. Corleto Vinluan

Inanunsyo na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakatalaga bilang bagong commander ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) kay Maj. Gen. Corleto Vinluan kapalit ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana na itinalagang Philippine Army chief kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo.

Sinabi ni Arevalo, napatunayan ni Vinluan ang kanyang husay bilang isang military commander sa kanyang pamumuno sa 11th Infantry Division at Joint Task Force (JTF) Sulu na nakabase sa Jolo, Sulu.

Kabilang pa sa kanyang “achievements” ay ang pag-neutalize sa Egyptian suicide bombers bago nila naisagawa ang planong suicide bombing sa Metro Jolo.

Si Gen. Vinluan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988.

Kasabay nito, inanunsyo din ni Gen. Arevalo na si Brig. Gen William Gonzales naman ang uupo bilang acting commander ng 11ID at ng Joint Task Force Sulu.

Si Gen. Gonzales ang commander ng First Scout Ranger Regiment sa nakalipas na dalawa’t kalahating taon.

Naging commander din siya ng 3rd Scout Ranger Battalion na nakabase sa Basilan province at dating chief ng Unified Command Staff ng Western Mindanao Command (WestMinCom).