-- Advertisements --
Nag-assume na bilang bagong director ng Directorate for Police Community Relations (DPCR) si MGen. Dionardo Carlos matapos mag retiro sa serbisyo si MGen. Benigno Durana kasabay ng kaniyang ika-56th birthday.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, si Carlos ang pumalit sa pwesto ni Durana na dating director ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM).
Si Carlos ay mistah ni Durana na pawang miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.
Habang si BGen Joselito Veracruz na commander ng DIPO- Western Mindanao ang papalit sa pwesto na binakante ni Carlos.
Mismong si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang nanguna sa turn-over ceremony na isinagawa kaninang umaga.