-- Advertisements --

Opisyal nang umupo bilang ika-60 Commanding General ng Philippine Army si dating Intelligence Service Armed Foeces of the Philippines (ISAFP) chief MGen. Macairog Alberto kapalit ni Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista na nagretiro na sa serbisyo.

Sa talumpati ni Alberto, gagawin daw nito ang lahat para mahiging handa sa pakikipaglaban, harapin ang anumang banta at rumesponde sa mga kalamidad ang hukbong katihan.

Hindi naman binanggit ni Alberto ang kaniyang mga prayoridad bilang bagong pinuno ng hukbo, at idedetalye na lamang daw niya ito sa kaniyang command guidance sa ipapatawag nitong command conference.

Dumalo sa turnover ceremony ang mga mistah ni Alberto sa Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986 na pinangunahan ni PNP Chief Oscar Albayalde at dating Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa.

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bautista lalo na ang ginampanan nitong papel sa Marawi liberation.

Hiling naman ni Duterte sa mga sundalo na suportahan ang liderato ni Alberto.