-- Advertisements --

Pormal ng nag-assumed bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps si Maj. General Nathaniel Casem nitong Lunes.

Pinangunahan ni Philippine Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad ang turn-over ceremony na ginanap sa Philippine Marine Corps headquarters sa Taguig City.

Pinalitan ni Casem si MGen. Alvin Parreño na miyembro ng PMA “SINAGTALA” class of 1986.

Habang si Casem ay miyembro ng PMA “HINIRANG” Class of 1986.

Sa talumpati ni Casem, sinabi nito na dapat pang ideveloped ang Marine Corps ng sa gayon handa itong rumisponde sa tawag ng trabaho.

Binigyang diin din ni Casem na bilang isang marino dapat umakto sila sa context of fleet marine concept.

Una ng inihayag ni Empedrad na hindi mag early retirement ang kaniyang mistah na si Parreño.

Itinanggi din ng navy chief na may hidwaan silang dalawa.

Sa talumpati ni Empedrad, pinuri nito si Parreño dahil sa kaniyang outstanding service sa Philippine Marine Corps.

Kumpiyansa naman si Empedrad kay Casem na magagampanan nito ang kaniyang trabaho.