-- Advertisements --

Pormal nang nag-assume bilang bagong commanding general ng Philippine Army si MGen. Romeo Brawner Jr., sa isinagawang Change of Command Ceremony nitong umaga ng Biyernes na ginanap sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nag-administer sa turn-over ceremony.

Si Brawner ang ika-65th Army chief na pumalit kay AFP chief of staff Lt. Gen. Andres Centino.

gen romeo brawner 1
Army chief MGen. Romeo Brawner Jr.

Si Brawner ang kasalukuyang commander ng 4th Infantry Division na nanguna sa pag-neutralize sa high-ranking communist terrorist group (CTGs) personalities sa Northern Mindanao at Caraga regions kabilang ang pinuno ng NPA’s National Operations Command Jorge “Ka Oros” Madlos.

Dahil sa pinalakas at pinaigting na kampanya laban sa insurgency ng AFP, nagresulta ito sa mass surrender ng CPP-NPA-terrorists (CNTs).

Bago pa mag-assume bilang Army chief, iba’t ibang key positions na rin ang hawak ni Brawner kabilang dito ang pagiging tagapagsalita ng Philippine Army.

Bahagi rin si Brawner sa operasyon ng militar noong Marawi siege kung saan itinalaga siya bilang deputy commander ng Task Group Ranao at spokesperson ng Task Force Marawi at itinalagang brigade commander ng 103rd Infantry Brigade.

Naging Commandant of Cadets ng Philippine Military Academy (PMA), kung saan sinikap nilang tanggalin ang hazing sa akademya na kaniyang itinuturing na significant contribution.

Si Brawner ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao,” Class of 1989, kung saan siya ang salutatorian at “Baron” o regiment commander ng cadet corps.

Binigyang-diin ni Brawner na kaniyang pakakatutukan ang kalusugan morale and welfare ng mga sundalo at hubugin pa ang skills and competencies na malaking bagay para maisakatuparan ang kanilang misyon.

Sa panig naman ni Gen. Centino sinabi nito na nasa mabuting kamay ang Phil. Army sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Brawner.

Una ng sinabi ni Brawner na ang kapakanan ng mga sundalo at ng kanilang pamilya ang kaniyang prayoridad.

Kaniya rin tututukan ang gagawing final push ng Phil Army para tuldukan ang pamamayagpag ng CPP NPA NDF.