-- Advertisements --
Kinumpirma ni B/Gen. Nolasco Bathan na itinalaga siya bilang officer-in-charge ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Bathan sinabi nito na “no big deal” sa pagiging OIC nito dahil isang araw lang naman ito.
Paliwanag ni Bathan, kinakailangan lamang sumailalim sa executive check-up si NCRPO chief M/Gen. Debold Sinas.
Magiging epektibo ang pagiging OIC ni Bathan sa bukas, August 19, 2020.
Si Bathan ay kasalukuyang nakatalaga bilang deputy regional director for administration ng NCRPO.
“Magpapa-executive check-up lang si M/Gen Debold Sinas and maybe isang araw lang ito. No big deal,” mensahe pa ni Bathan sa Bombo Radyo.