Matapos ang nangyaring magnitude 5.8 na lindol sa Luzon kahapon pasado alas 4 ng hapon, agad na kumilos ang Manila International Airport Authority para magsagawa ng inspeksyon sa mga airside at terminal facilities ng NAIA.
Kabilang sa mga nagsagawa ng pagsusuri ay ang engineering at operations teams ng Manila International Airport Authority.
Kasabay nito ay tiniyak naman ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na walang naging pinsala ang lindol sa runway at taxiway pavements gayundin sa terminal facilities ng NAIA.
Siniguro din ng MIAA na walang flights na naapektuhan ng pagyanig
Samantala, tiniyak naman ng CAAP na walang napinsalang airport at all accounted ang lahat ng personnel sa MIMAROPA at CALABARZON partikular sa….
San Jose Airport
Romblon Airport
Sangley Airport
Marinduque Airport
Calapan Airport
Pinamalayan Airport
Lubang Airport
Mamburao Airport