-- Advertisements --
Nakikita ng Manila International Airport Authority (MIAA) na babalik sa pre-pandemic levels ang dami ng mga domestic flights sa nalalapit na Holy Week.
Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal, sa ngayon ay nasa 80-percent level na ng pre-pandemic figures ang naitatala sa domestic travel sa kasalukuyan.
Pero kahit ganito ang sitwasyon, binigyan diin ni Monreal na kailangan pa rin ang pag-iingat, sabay paalala sa publiko na hindi pa nakakaalis ang bansa sa pandemya.
Kailangan pa rin aniyang mahigpit na sundin ang mga health protocols na inilatag ng pamahalan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Samantala, tiniyak naman ni Monreal na nakahanda ang MIAA sa inaasahang influx ng mga biyahero sa Ninoy Aquino International Airport sa darating na Holy Week.