Pinagpaplanohan ng Manila International Airport Authority na magrenta o bumili ng maraming generator bilang tugon na nangyaring power outage kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng assessment ang ahensya kaugnay ng kinakailangang generator nang sa gayon ay di na maulit ang nangyaring power interruption.
Kung maaalala kasi, malaki ang naging aberya at maraming pasahero ang stranded dahil sa kanseladong flights kahapon sa nasabing paliparan.
Ito ay pansamantalang solusyon lamang umano ngunit dagdag pa ng ahensya magsasagawa rin daw sila ng full electrical audit sa sistema ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bilang pang matagalang solusyon.
Samantala, bukas naman ang Department of Transportation sa oportunidad na e modernize ang nasabing paliparan.
Ngayong araw, balik sa normal na operasyon na ang Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa mga pasahero wala na umanong nangyaring power interruption ngayong araw.