Target daw ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) na gawing all-domestic terminal ang Ninoy Aquino International Airport Terminl 2.
Layon daw nitong maging balanse ang kapasidad ng mga airport terminals at mapababa ang insidente ng offloading.
Ayon kayManila International Airport Authority senior assistant general manager Bryan Co, isasagawa raw ang terminal reassignments pagkatapos na ng Holy Week.
Inaasahan daw kasing papalo sa 100,000 travelers ang dadaan sa airport.
Ang mga immigration officers na ngayon ay nakadestino sa NAIA-2 ay ide-deploy sa Terminals 1 at 3 na siyang gagamitin para sa international flights.
Karaniwan daw kasing nagkakaroon ng offloading ng mga pasahero na siyang nagiging dahilan kung bakit sila naiiwan sa kanilang mga flights dahil sa mahabang pila sa mga immigration areas.
Pagsapit naman daw ng ikatlong quarter ng taon, magbubukas din ang MIAA ng special lane para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dadaan sa final screening matapos dumaan sa immigration.
Ang mga Senior citizens at persons with disabilities ay puwede ring dumaan sa special lane.