-- Advertisements --


Pinaalalahanan ni Manila International Airport (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga airline companies na tiyakin ang air travel convenience bago ang pagsapit ng Holy Week kung saan maraming pasahero ang inaasahang babiyahe.

Sa isang panayam, sinabi ni Monreal na dapat striktong sundin ng mga airlines ang scheduled departure at arrival ng mga eroplano.

Simula ngayong linggo, sinabi ni Monreal na inaasahan na nilang marami ang mga domestic flight passengers ang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport.

Kaya naman pinaalalahanan din ni Monreal ang mga pasahero na iwasan na ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit sa paliparan.