-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dating operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 844 plantilla position.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na ipinatupad na privatization ng paliparan.

Karamihan aniya sa mga posisyon ay naisama na sa bagong namamahala ang New NAIA Infrastructure Corp. na siyang nagsimula mamuno noong Setyembre 14.

Hinihintay ng MIAA ang approval ng Governance Commission for GOCC (GCG) ukol sa nasabing panukalang organizational structure.