-- Advertisements --

Umaasa ang Manila International Airport Authority (MIAA) na matatanggal na sa madaling panahon ang US travel advisory na ipinalabas ng Transportation Security Administration (TSA).

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na nakapag-comply sila sa mga requirements ng TSA para matiyak ang kaligtasan ng mga publiko sa paliparan.

Dagdag pa ni Monreal na may mga senyales na ipinapakita ng mga tauhan ng TSA na malapit na ang pag-lift ng nasabing advisory.

Ang TSA ay nasa ilalim ng Department of Homeland Security (DHS) na nakatutok para sa proteksyon ng mga American transportation system.

Magugunitang noong Disyembre ay inilabas ng TSA ang advisory matapos na makita na kulang ang ipinapatupad na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).