-- Advertisements --

Bumawi ang Miami Heat at sa pagkakataong ito ay nabiktima nila sa kanilang pamamayagpag ang Detriot Pistons, 117-108.

Ito na ang ikapitong panalo ng Heat (7-3) na kabilang sa kanilang best start sa kasaysayan ng prangkisa.

Bumangon ang Miami mula sa huling pagkatalo sa kamay ng Los Angeles Lakers.

Nanguna sa opensa sina Jimmy Buttler na may 20 points at 13 assists at sina Kendrick Nunn ay nagdagdag ng 20 at tig-18 points din sina Bam Adebayo at Goran Dragic.

Umabot pa sa 29 na puntos ang naging kalamangan ng Miami upang samantalahin ang hindi paglalaro sa Pistons (4-8) nina Blake Griffin (hamstring, knee) at Derrick Rose (hamstring).

Nagpadagdag sa kamalasan ng Detroit ang pagka-delay nila sa pagdating sa venue dahil sa record breaking storm kung saan binalot ng niyebe na umabot ng hanggang 9.2 inches kapal sa mga kalsada ng Miami.

Ang next game ng Pistons ay laban sa Charlotte sa Sabado.

Ang Heat naman ay bibisita sa Cleveland sa Biyernes.