-- Advertisements --

Suspendido ang isang highschool football coach dahil sa paglabag sa stay-at-home orders sa panahon ng coronavirus pandemic.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Miami Northwestern Senior Highschool laban sa football coach na si Max Edwards dahil sa pagsasagawa ng ensayo kahit mayroong ipinapatupad na coronavirus pandemic.

Si Edwards ay siyang naging coach mula pa noong 2015 kung saan mayroon silang tatlong titulo na ang kanilang nakuha.

Sinabi ni Daisy Gonzalez-Diego, tagapagsalita ng Miami-Dade County Public Schools, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga magulang ng mga mag-aaral sa para sa kanilang imbestigasyon.

Mula pa kasi noong Marso 18 ay kinansela na ng Florida High School Athletic Association ang lahat ng mga high school events.