Nakatakdang pumirma ng extension si Miami Heat bigman Bam Adebayo.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang dalawang taon na nalalabi sa kontrata ni Adebayo, kasama ang $72 million. Habang ang offer na extension ay $166 million.
Kung mapipirmahan ito ni Bam, mananatili siya sa Miami hanggang sa 2028-2029 season. Mangangahulugan ito ng lima pang karagdagang season ni Bam sa koponan at maiiwasan na rin ang pagpasok niya sa free agency pagsapit ng 2026.
Si Adebayo ay unang na-draft ng Heat noong 2017 bilang 14th overall pick. Sa loob ng pananatili niya sa koponan, nagawa niyang makapagpakita ng magandang depensa.
Sa loob ng nakalipas na limang season, napabilang ito sa top five Defensive Player of the Year ng liga.
Naging consistent din si Adebayo sa kanyang opensa kung saan nagagawa niyang makapagpasok ng 19.3 points per game gamit ang 52.1% FG.
Sa dalawang Finals appearance ng Miami mula noong 2020, si Adebayo ang ikalawang consistent scorer ng koponan, sunod sa star player nitong si Jimmy Butler.