Aminado ang Filipino American head coach ng Miami Heat na si Erik Spoelstra, na hindi pa 100% ang kanyang team sa pagsisimula ng bagong season ng NBA sa Disyembre 22.
Ayon sa coach, mistulang tatlong season daw ang kanilang dinaanan noong huling isang season dahil sa labis na hirap at pagod na kanilang dinaanan.
Kung maalala sorpresang umabot sa NBA finals ang Miami Heat na hindi inakala ng marami na sa huli ay hindi umubra sa Los Angeles Lakers.
“Our season last year in many ways felt like three seasons,” ani Spoelstra. “I will have to be mindful to keep them fresh particularly mentally.”
Inihalimbawa pa ni Spoelstra ang matindi trabaho na ginawa ng kanilang star player na si Jimmy Butler na siyang may pinakamakalaking kontribusyon sa kampanya ng koponan.
Sa naganap daw na finals sa NBA bubble, umaabot sa 43 minutes ang inilalaro ni Butler.
Ang ganito aniyang kahabang oras sa isang player ay hindi na raw mangyayari sa 2020-2021 season.
“I understand how much energy, physical and mental and emotional energy that he expended during that bubble run,” wika pa ni Spoelstra.