-- Advertisements --

Labis ngayon ang kalungkutan ni Miami Heat forward Kevin Love matapos ang pagpanaw ng kaniyang amang si Stan.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ng mga larawan ng ama.

Hindi naman na nito binanggit ang pinakasanhi ng kamatayan ng ama na itinuturing niyang isang bayani.

Si Stan Love ay kapatid ng Beach Boys singer Mike Love kung saan naglaro ito sa koponan ng Baltimore Bullets, Los Angeles Lakers at San Antonio Spurs.

Mayroon itong average na 6.8 points at apat na rebounds sa paglalaro niya sa Spurs.