-- Advertisements --

Gagamit na rin ang pamunuan ng Miami Heat ng mga aso upang makatulong sa pag-detect sa mga fans na manonood sa mga laro kung nagtataglay sila ng coronavirus.

Simula kasi sa January 28, balak nang buksan ng Miami ang AmericanAirlines Arena sa mga fans para sa limitadong bilang na papayagang manood sa laro.

Aabot lamang sa 1,500 na mga fans ang papayagang personal na manood sa mga games.

dog canine Miami Heat detect COVID

Batay sa guidelines ng team, ang mga fans na dadaan sa health protocols ay palalapitin din sa kanya ang specially trained na aso upang mang-amoy kung positive siya virus.

Kung magbigay ng senyales ang aso na sa tingin niya ay positive ang isang fan sa COVID, bigla itong uupo sa tabi.

Kapag nangyari ito, hindi papasukin ang naturang fan sa arena at ang mga nakasabayan sa pila.

Batay sa pag-aaral nasa 76 percent hanggang sa 100 percent umano na epektibo para maka-detect ang aso sa sinumang may COVID-19.

Ang ilang bansa ay gumagamit na rin ng canines sa mga airport dahil sa mas mabilis silang maka-detect kaysa sa machine na inaabot pa ng ilang oras o araw.