-- Advertisements --

Bumawi ng panalo ang Miami Heat matapos na ilampaso ang Cleveland Cavaliers, 117-105.

Sa ngayon number 1 pa rin ang Miami sa Eastern Conference, kahit natalo kahapon sa number 1 naman sa Western Conference na Phoenix Suns.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagpabaya pa ang Miami kung saan nanguna si Bam Adebayo na nagtala ng 30 points at may 17 big rebounds.

Habang ang All-Star na si Jimmy Butler ay nag-ambag ng 24 points at si Tyler Herro ay hindi rin nagpahuli sa kanyang 22 points.

Sa ngayon meron ng natipon na 45 wins ang Miami, habang nasa ika-anim na pwesto naman ang Cavaliers hawak ang 38-28 kartada.

Ang naturang laro ay ang ika-pitong talo ng Cavs mula sa huling 10 games.

Nanguna sa diskarte ng team si Darius Garland na nagpakita ng 24 points at 10 assists.