Lumasap na ng dalawang sunod na talo ang Miami Heat at sa pagkakataong ito ay tinambakan sila ng Boston Celtics, 122-92.
Sinamantala pa ng Boston ang kakulangan ng ilang main players ng Heat upang iposte ang ika-27 panalo.
Ito na ang ika-apat na panalo ng Boston sa huling limang laro.
Habang natigil naman sa 32-wins ang top leading team na Miami sa Eastern Conference.
Nanguna sa diskarte ng Celtics si Jaylen Brown na may 29 points at si Jayson Tatum ay nagdagdag ng 20 points at 12 rebounds.
Umabot pa sa 32 ang kalamangan ng Celtics na hindi na nahabol pa ng karibal na team.
Kabilang sa mga players na hindi nakalaro sa Miami ay sina Jimmy Butler (toe), P.J. Tucker (knee) at point guard na si Kyle Lowry.
Nito lamang nakalipas na Linggo ay umabot sa triple-overtime ang laro nila kung saan sa huli ay namayani ang Raptors.