Pasok na sa NBA Eastern Conference finals ang Miami Heat matapos na walisin ang Philadelphia Sixers sa Game 6 ng semifinals sa score na 99-90.
Tinapos ng Miami ang serye sa 4-2 record doon mismo sa teritoryo ng kalaban na Sixers.
Dahil dito aantayin na lamang ng Miami ang mananalo sa hiwalay na serye sa pagitan naman ng Boston Celtics at defending champion na Milwaukee Bucks.
Sa loob ng tatlong taon ay ito na ang ikalawang beses na umabot sa conference finals ang Heat kung saan ang head coach ay ang Filipino-American na si Erik Spoelstra.
Sa naging laro kanina ng Miami, angat muli ang naging performance ni Jimmy Butler na may 32 points at eight rebounds.
Malaking tulong din ang ginawa ni Max Straus na nag-ambag ng 20 points at 11 rebounds upang punan ang kawalan ng veteran point guard nila na si Kyle Lowry.
Sinamantala rin ng Miami ang hindi pa rin 100% performance ni MVP finalist Joel Embiid dahil sa injury.
Nadagdagan pa ang kamalasan ng Sixers nang magtamo rin ng injury ang kanilang 3-point artist na si Danny Green sa first quarter pa lamang ng game.
Sa kabilang dako todo papuri naman ang mga teammates at coaching staff sa ipinapakitang laro ng 32-anyos na si Butler na dati ring kabahagi ng Sixers.
Tinawag pa siya ni Spoelstra bilang “brilliant” ngayong NBA playoffs.
Aminado naman si Butler na lalo siyang ginaganahan sa paglalaro dahil sa labis na tiwala sa kanya na pangunahan ang team at dalhin sa mas mataas na lebel.
“I think he’s one of the ultimate competitors in this profession. So I think a lot of things get lost in translation. As this league sometimes gets younger I think it ends up being about some things that are not about winning,” ani Spoelstra matapos ang game. “He competes on both ends. He is an extremely efficient offensive player.”