-- Advertisements --

Pawang papuri ang inani ni Kyle Lowry sa mga bago niyang teammates matapos na talunin nila ang Atlanta Hawks sa pre-season game, 125-99.

Una rito nagtapos si Lowry ng five points, four rebounds, seven assists sa loob lamang ng 15 minutes.

Ayon sa Duncan Robinson masarap pakiramdam na kasama sa court si Lowry.
Tinawag pa niyang “controlled chaos” sa galing ng 35-anyos point guard na nakuha sa trade mula sa Raptors.

Ayon naman kay big man Bam Adebayo, mabilis daw makuha ni Kyle ang kanilang mga set plays.

Para naman sa top scorer na si Tyler Herro mabilis ang utak ni Lowry at magdesisyon para pakawalan kaagad ang bola sa kanyang mga kamay para sa tamang players.