Pansamantala munang ikinandalo ng Miami Heat ang kanilang training facility matapos makumpirma ang ikalawa nilang player na nagpositibo sa coronavirus.
Tumanggi naman ang team na isapubliko ang pangalan ng bagong player na nahawa sa deadly virus.
Bago ito ay binuksan ang gym bilang kautusan ng NBA na magkaroon ng mandated testing requirement sa lahat ng players.
Pero dahil sa pangyayari isasara muna ang gym at walang papayagan na invidual workouts hanggang sa makaalis ang koponan patungo ng Walt Disney World Complex na nasa Orlando, Florida sa susunod na linggo.
Ang Miami ay ikaapat sa top teams sa NBA Eastern Conference.
Nasa 22 mga teams ang magbabanggaan sa July 30 para sa restart ng season o return-to-play plan.
Una rito noong nakaraang linggo lamang ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang Heat guard na si Derrick Jones Jr.
Sa ngayon mahigit na sa 25 mga NBA players ang nahawa sa coronavirus.