-- Advertisements --
Namayani pa rin ang Miami Heat kontra sa karibal na No. 2 sa Eastern Conference na Philadelphia Sixers, 99-82.
Nanguna sa opena ng Heat sina Tyler Herro at Jimmy Butler na kapwa may 21 points.
Habang sina Gabe Vincent ay may 16 points at si Caleb Martin naman ay nagpakita ng 14.
Umabot pa 20 puntos ang kalamangan ng Heat hanggang sa mahabol ito sa 4th quarter ng Sixers.
Pero hindi naman nagpabaya ang Heat para itala ang kanilang ika-11 panalo sa huling 13 games.
Hawak ngayon ng Miami ang 43-22 record para umabanse pa ng tatlong kalamangan sa kartada sa lumalapit na 76ers.
Nagtapos naman sa game ang big man na si Joel Embiid sa 22 points at 13 rebounds para sa Sixers.
Si James Harden ay hindi nakalaro dahil sa left hamstring injury.