-- Advertisements --

Hindi umubra ang Miami Heat sa Cleveland Cavaliers matapos talunin sa score, 105-94.

Ito na ang pang-apat na sunod na panalo ng Cavs para umakyat sila sa ikaapat na puwesto sa Eastern Conference na may kabuuang 17 panalo.

Habang ang Heat ay natigil sa 16-12 record.

Pinangunahan ni Kevin Love ang Cavs nang magbuhos siya ng 23 points kasama ma ang limang 3-pointers sa second half, habang meron din siyang nine rebounds.

Sa kabilang dako, sa kampo ng Miami si P.J. Tucker ay nagposte ng season-high na 23 points, nine rebounds at five assists.

Nagtapos naman si Kyle Lowry sa 22 points kung saan natigil ang kanilang two-game winning streak.

Ang Heat ay meron lamang 11 players dahil hindi pa rin nakakabalik mula sa injury sina Jimmy Butler, Bam Adebayo, Markieff Morris at Victor Oladipo.

Ang forward na si Caleb Martin ay inilagay ng NBA sa health and safety protocols bilang pag-iingat sa COVID-19.