-- Advertisements --
miami heat 1
Miami Heat (photo from @MiamiHEAT)

Aminado ang Miami Heat na nangangailangan sila ng perfect game upang talunin ang Los Angeles Lakers lalo na sa Game 2 bukas.

Sa ngayon lalong nalagay sa malayong “underdog” ang Miami dahil sa report na ang dalawa nilang players na starters na sina Bam Adebayo at Goran Dragic ang delikadong hindi makalaro.

Ayon kay Miami All-Star Jimmy Butler, alam nilang kaya nilang manalo sa Lakers pero kailangan daw ang perpekto at walang mga sablay sa kanilang game executions.

Sinabi naman ng rookie Heat guad na si Tyler Herro, masyadong delikado ang Lakers at malalaki kaya mahalaga ang maging physical game.

Sa ngayon aniya may inihandang taktika na si Fil Am head coach Erik Spoelstra upang maitabla ang laro bukas sa tig-isang panalo.

“But we know that we’ve got to play perfect,” ani Butler. “We got to win.”