Nakabangon na rin sa dalawang sunod na pagkatalo ang Miami Heat matapos na maidispatsa ang Indiana Pacers sa score na 113-104.
Nanguna ang veteran point guard na si Kyle Lowry sa pagpaulan ng 3-points shots na walang pantapat ang Pacers.
Sa kabuuan may 26 points kasama ang anim na three pointers at siyam na assists si Lowry para itala ang kanilang ika-14 na panalo.
Ito ay sa kabila na hindi pa rin nakakalaro ang apat na mga players na kabilang na sina Jimmy Butler at big man Bam Adebayo dahil sa surgery.
Naging katuwang ni Lowry sa opensa sina Duncan Robinson na nagpasok ng 24 points kasama ang apat na three point shot habang si Tyler Herro ay nag-ambag ng 18 points na may tatlong 3-pointers.
Sa panig ng Pacers si Caris LeVert ay nagpakita ng season-high na 27 points pero hindi pa rin nila kinaya ang Heat at matikman nila ang ikaapat na magkasunod na talo.