-- Advertisements --
miami

Nagtala ng kasaysayan ang Miami Heat matapos iposte nila ang “biggest first-quarter margins” sa NBA history nang tambakan nila ang Houston Rockets, 129-100.

Hindi umubra sa Miami ang matinding tandem na dating mga MVPs na sina James Harden at Russell Westbrook na sa first quarter pa lamang ay nasa 46-14 na ang score.

Ang record-breaking performance ng Heat sa opening quarter ay pangatlo sa kasaysayan ng NBA mula nang ipatupad ang shot clock era noon pang 1954-1955 NBA season.

Walang humpay na pagpapaulan ng puntos at maging sa three point areas ang pinaggagawa ng mga players ng Miami sa pangunguna nina Duncan Robinson na may 23 points, Meyers Leonard na nagpakita ng 21 points, Jimmy Butler na nagdagdag ng 18 points at nine assists, James Johnson na umeksena ng 17 at si Goran Dragic na nagtapos sa 15 points.

Liban sa mainit na mga tira nalimitahan din ng Miami gamit ang mala-linta nilang depensa si Westbrook na meron lamang 10 points at si Harden na nahirapan bago naka-iskor ng kabuuang 29.

Ang head coach ng Miami ay ang Filipino American na si Erik Spoelstra.

Agad na nagbigay pugay si Spoelstra sa ipinakitang enerhiya sa laro ng kanyang mga players.

Ayon kaya Leonard walang dapat ikasorpresa sa kanilang ginawa dahil pinaghandaan nila ng husto ang execution ng kanilang mga plays upang tapatan ang galing ng Rockets.

Aminado naman si Harden nahirapan silang sabayan ang init at energy ng Heat mula sa simula ng laro hanggang sa pagtatapos ng laban.

butler miami