-- Advertisements --

Nasilat nang Denver Nuggets ang Miami Heat, 120-111.

Dahil dito nagawang matuldukan ng Nuggets ang anim na sunod-sunod na talo.

Sa ngayon meron nang 10 panalo at 10 talo ang Denver bagong NBA season.

Sa panig naman ng Miami, nalasap nila ang ika-walong talo habang nanatili sila sa 13 record na panalo kung saan kabilang sila sa mga top teams sa Eastern Conference.

Nanguna ang nagbabalik na si reigning MVP at big man na si Nikola Jokic gamit ang 24 points at 15 rebounds upang dalhin sa panalo ang Denver.

Bago ito ay apat na games din na hindi nakalaro si Jokic dahil sa injury.

Sinamantala ng Denver ang kawalan ng mga top scorers ng Miami na sina Jimmy Butler at Tyler Herro bunsod ng injury.

Kung maalala dalawang linggo na ang nakakalipas ay nagkabangayan ang dalawang team, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaro si Markieff Morris ng Heat matapos na mariing itulak ni Jokic.