-- Advertisements --

Natuldukan na rin ng Miami Heat ang kanilang kamalasan na anim na sunod-sunod na talo nang masilat ang New York Knicks, 98-88

Kinailangan na magdoble kayod ang ginawa nina Jimmy Butler na may 27 points, Bam Adebayo na nagpakita ng 20 points at Duncan Robinson na nagdagdag ng 20 puntos upang pahiyain ang Knicks, na meron na sanang tatlong sunod na panalo.

Heat Jimmy Butler
Miami’s life saver, Jimmy Butler (photo from @MiamiHEAT)

Ito na ang ika-23 panalo ng Miami ngayong season, habang natigil naman ang Knicks sa 24-23 win-loss record.

Noong una ay kinaya pa ng Knicks na higitan ang karibal na Miami sa palitan ng puntos.

Pero sa huli ay namayani ang Heat sa pangunguna sa diskarte ni Butler.

Maging si Tyler Herro na nag-ambag ng 18 points, ay bumilib sa kanilang teammate na si Butler na kayang bitbitin ang team.

Sa panig ng Knicks nanguna naman si Julius Randle na tumipon ng 22 points habang si Derrick Rose ay nagpakawala ng 16 points.