Naagaw na ng Miami Heat ang pagiging top team sa NBA Eastern Conference matapos na ilampaso ang karibal na Portland Trail Blazers kanina sa score na 104-92.
Dahil dito nalampasan na ng Miami ang Chicago Bulls sa kanilang ika-29 na panalo.
Tinalo rin naman ng Bulls (28-15) ang Cavs (27-19), 117-104.
Samantala, ginamit ng Miami ang 4th quarter upang ibuhos ang pwersa sa opensa sa harap ng mahigit na 19,000 na mga nagbubunying fans na pinuno ang arena.
Ang head coach ng Miami ay ang Filipino-American na si Erik Spoelstra.
Ang panalo ng Heat ay sa kabila ng kakulangan ng kanilang mga main players.Si Jimmy Butler kasi ay na-eject sa first half pa lamang ng game nang umalma sa mga referees.
Hindi rin nakalaro sina Kyle Lowry at Tyler Herro.
Dahil dito, todo kayod ang ginawa nina Caleb Martin na may 26 points at si Bam Adebayo ay nagposte ng 20 points at 11 rebounds.
Hindi rin nagpahuli sina Max Strus na may 15 points at si Dewayne Dedmon ay nagpakawala ng 12 puntos.
Sa kampo ng Blazers may pinakamaraming puntos si Anfernee Simon na may 27 points habang natapos si CJ McCollum sa 24 para matigil sila sa record na 18-26.