Pinahiya ng Miami Heat ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos na ilampaso sa iskor na 106-93.
Ito na ang ikatlong panalo ng Miami, habang nalasap ng Nets ang ikatlo nilang talo.
Nanguna sa diskarte ng Miami ang big man na si Bam Adebayo na nagbuhos ng 24 points at 9 rebounds, na dinagdagan naman nina Jimmy Butler ng 17 points at si P.J. Tucker na may 15 puntos.
Sa panig ng Brooklyn hindi umubra ang big game ni Kevin Durant na kumamada ng 25 points at 11 rebounds.
Habang sumuporta si James Harden gamit ang 14 points.
Kung maalala ang Brooklyn ay kabilang sa preseason favorite na umabot sa NBA championship.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaro ang isa pa sa brig three na si Kyrie Irving na ayaw pa ring magbakuna laban sa COVID-19.
Samantala, batay sa istadistika abanse ang Miami sa Brooklyn 48-34 pagdating sa puntos sa loob ng paint, at umabot sa 27 ang kanilang second-chance points (31-4), at lumamang din sila sa Nets sa rebounds 62-42.