Binitbit ni Tyler Herro ang Miami Heat gamit ang 26 points upang idispatsa ang Oklahoma City Thunder, 103-90.
Habang tumulong din sina Duncan Robinson na may 21 points at si Kyle Lowry na nagdagdag ng 11 points at 11 assists para sa Heat upang punan ang hindi paglalaro ng kanilang main players na sina Jimmy Butler (sprained right ankle) at Bam Adebayo (bruised left knee).
Malaking kawalan si Butler dahil nag-a-average ito ng 23.6 points kada laro umabot na rin ng tatlong games na hindi ito nakakalaro.
Ang panalo ng Heat ay nag-angat sa kanila sa 9-5 record, habang nalugmok pa lalo sa 5-8 kartada ang Oklahoma.
Inalat din kasi ang kanilang top scorer na si Shai Gilgeous-Alexander na dati ay nag-average ng 22.6 points per game pero sa laro kanina ay nagtala sa nakakadismayang season-low na 10 on 2-of-11 sa shooting.