-- Advertisements --

Winakasan na ng Miami Heat ang kampanya ng Cleveland Cavaliers na makahabol pa sa NBA playoffs matapos talunin sa score na 126-110.

Habang ang Heat (31-34) ay patuloy ang pagkapit sa ikawalong puwesto matapos na itala ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Bagamat dikitan pa ang labanan hanggang sa third quarter pero pagsapit ng fourth quarter ay doon na kumawala ng husto ang Heat sa Cleveland (16-50).

Walong mga players ng team ang nagtala ng double figures na ayon kay sa Fil-Am Heat head coach Erik Spoelstra, exciting ang bawat game nila ngayon dahil sa paghahabol sa playoffs.

Sinabi raw niya sa mga players na “I want our guys to have fun with this.”

Nanguna sa opensa ng Miami sina Josh Richardson na may 20 points, Bam Adebayo ay nagpakita ng 17 points habang si Justise Winslow ay nagtapos naman sa 16 points, nine rebounds at nine assists.

Si Dwyane Wade ay nagbigay ng 12 puntos sa koponan.

Sa panig ng Cavs si Collin Sexton ay nagpakawala ng 27 points at ang Fil-Am na si Jordan Clarkson ay umiskor ng 21.

Tiniyak naman ni Cavs coach Larry Drew na kahit itsapuwera na ang Heat sa playoffs, kakayod pa rin pa rin sila ng husto para sa mga fans.

Sa Martes ay tutunguhin ng Cavaliers ang Toronto.

Habang ang Heat ay haharapin din ang Toronto at ito ay sa Lunes naman.