MIAMI – Pansamantalang pumasok na sa No. 8 spot sa Eastern Conference standings ang Miami Heat matapos na idispatsa ang New Orleans Pelicans, 120-112.
Nalampasan na ng Heat ang Milwaukee, kaya naman itinuturing na malaking achievement sa team na dalawang buwan pa lamang ang nakakalipas ay naihanay pa sila sa mga kulelat na teams.
Hindi inalintana ni Goran Dragic kahit nagtamo ito ng black eye at dumugo pa ang bibig para magpakita pa rin ng 33 points habang si Hassan Whiteside ay tumulong naman sa 20 points at 17 rebounds.
Hindi rin naman nagpahuli ang iba pang players ng Miami tulad nina Wayne Ellington na may 19 points kabilang na ang 16 na 3-pointers.
Si Dion Waiters naman ay nagtapos sa 14 samantalang si James Johnson at Tyler Johnson ay merong tig-10 puntos.
Hindi umubra sa init ng Heat ang big games nina Anthony Davis na may 27 points at DeMarcus Cousins na umeksena sa 19 points para sa Pelicans.
Para naman sa Heat head coach at Filipino-American na si Erik Spoelstra, hindi pa garantiya na pasok na sila sa playoffs.
Pero maganda umanong oportunidad ang kanilang nagagawa sa ngayon.
“Nothing’s guaranteed,” ani coach Spoelstra. “Everybody’s talking about how far we’ve come and what we’ve accomplished. We’re not in the playoffs yet. But at least we were given an opportunity to show persistence and develop that.” (AP)