Sisimulan na ng Maharlika Investment Corporation ang pag invest nito bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ito ang kinumpirma ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ngayong araw kasabay ng isinagawang g briefing ng Development Budget Coordination Committee.
Ayon kay Recto, sa ngayon, kinakailangan na matukoy muna ng Maharlika Investment Corporation ang bubuhusan nila ng investment.
Katulad aniya ito ng ibang mga start-up o nagsisimula pa lang na mga maliliit o malalaking kumpanya.
Aabot pa lamang sa pitong buwan ang operasyon ng Maharlika Investment Corporation mula nang maisabatas ang pagbuo nito.
Iniulat rin ng kalihim na kumpleto na ngayon ang board ng MIC na binubuo ng ibat ibang bangko ng gobyerno , DOF at mga private sector.
Samantala, sa kabila ng haka-haka na may nakalaang 2025 national budget sa Maharlika fund, nilinaw ng kalihim na wala itong katotohanan.