-- Advertisements --
michael jordan
Michael Jordan

Mananatili pa ring majority owner ng Charlotte Hornets si NBA legend Michael Jordan.

Ito ay matapos na ibenta niya ang percentage of ownership nito sa koponan.

Sinabi ng dating Chicago Bulls star, na magiging partner niya sa negosyo sina Gabe Plotkin ang founder ng Melvin Capital at Daniel Sundheim ang founder ng DI Capital.

Dagdag pa ng six-time NBA champion na kilalang mga philanthropist ang dalawang negosyante.

Magugunitang taong 2010 ng binili nito ang koponan sa halagang $180 million at may kontrol ng 97 percent ng koponan.