Nangibabaw nang husto ang pangalan ni NBA legend Michael Jordan bilang “greatest player of all time,” ayon sa isang survey na isinapubliko ng The Athletic.
Batay sa isinagawang survey ng nasabing sports news website sa 127 NBA players mula Marso 16 hanggang Abril 1, lumabas na 73% ang naniniwalang si Jordan ang dapat na itanghal bilang pinakamagaling na player.
Nakakuha naman ng 11.9% si Los Angeles Lakers star LeBron James, samantalang may 10.6% naman si Kobe Bryant.
Samantala, umani naman ng 44.3% si Houston Rockets star James Harden bilang player na makakakuha ng MVP title ngayong season.
Sumegunda naman si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na tumipon ng 38.9% ng kabuuang boto.
Nasa ikatlong puwesto si Paul George ng Oklahoma City Thunder na may 12.7%.