-- Advertisements --

Magsasagawa ng tatlong show sa bansa ang Danish soft rock band na Michale Learns to Rock.

Sa kanilang social media, ay inanunsiyo nila ang mga petsa ng nakatakdang show nila sa bansa.

Magsisimula sa Oktubre 26 sa Araneta Coliseum na susundan ng Oktubre 28 show sa Waterfront Hotel Ballroom sa Cebu at Oktubre 30 sa SMX Convention Center Davao.

Makakasama nila sa mga show ang ‘Diamond Soul Siren’ na si NIna.

Huling tumugtog ang grupo noong 2018 sa ilang lugar sa bansa gaya ng Davao, Cebu at Sta. Rosa, Laguna.

Ang trio na binubuo nina Jascha Rithcer, Mikkel Lentz at Kare Wanscher ay sumikat noong dekada 90.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “The Actor”, “Paint My Love”, “25 minutes” at maraming iba pa.