-- Advertisements --

Muling nahalal bilang prime minister ng Republic of Ireland si Michael Martin.

Nakakuha ito ng kabuuang 95 na boto mula sa mga mambabatas habang 76 ang hindi bumuto.

Pangungunahan nito ang coalition government na binubuo ng dalawang pinakamalaking center-right parties.

Bahagyang naantala ang kaniyang nominasyon ng isang araw dahil sa pagsiklab ng kaguluhan sa loob ng kongreso kung saan may ilan sa mga kanila ng tinangkang harangin ang nominasyon.

Ang 64-anyos na si Martin ay unang naging prime minister mula 2020 hanggang 2022 bago ipasakamay nito ang position kay Fine Gael para sa second half ng kaniyang termino.

Sa ilalim ng coalition government ay nakatakdang bumalik bilang premier sa 2027 si Prime Minister Simon Harris.