-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Michael Pacquiao dahil sa buong suporta ng kaniyang magulang sa pagkanta nito.

Kasunod ito ng pag-viral ng ginawa niyang rap tungkol sa ama nitong si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi nito na hindi nagdalawang isip ang magulang nito na si Senator Pacquiao at Jinkee sa tinatahak nitong kahiligan sa pagkanta.

Mula pa aniya noong bata pa siya ay naging bahagi na ang musika sa kaniyang buhay.

Kuwento nito na anumang ang kailangan nito para sa kaniyang singing career ay ibinibigay ng kaniyang magulang.

Naging insipirasyon nito ang amang boksingero sa paggawa ng nasabing mga kanta.

Magugunitang noong nakaraang buwan ng nag-viral ang kanta nitong “Pac-Man” na patungkol sa kaniyang ama.