-- Advertisements --

Ikinasal na si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao sa nobyong si PBA coach Aldo Palilio.

Naganap ang pag-iisang dibdib sa National Shrine of the Sacred Heart sa lungsod ng Makati nitong Pebrero 25, 2025.

Pawang mga malalapit na kaanak at kaibigan dumalo sa kasal ng dalawa.

Nagsimula silang magkakilala sa pamamagitan ng pag-set up ng isang kaibigan na date.

Kasalukuyang volleyball player si Michele sa Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League (PVL).