Nagsumite ng kaniyang aplikasyon sa Miss Universe Philippines si volleyball player at beauty queen Michele Gumabao.
Inanunsiyo nito ang nasabing balita sa pamamagitang ng kaniyan Instagram account.
Makikita sa nasabing post ang larawan nito habang nakatayo sa Miss Universe Philippines logo sa Empire Studio, Uptown Mall.
Magugunitang noong 2018 ay naging top 15 ng Miss Globe pageant si Michele kung saan nakakuha ito ng dalawang special awards na Miss Dream Girl at Miss Social Media.
Noong December 18, 2019 ng binuksan ng Miss Universe Philippines ang kanilang aplikasyon para sa mga kandita.
Nitong 2019 din ng inanunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization na kumalas na sila sa Araneta at sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. matapos ang 55 taon.