Hinirang ng Department of Tourism (DOT) si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee para maging pinakabagong tourism ambassador ng bansa.
Ang anunsyo ay ginawa sa courtesy call ni Dee kay Tourism chief Christina Frasco sa tanggapan ng DOT sa Makati City.
Malugod na tinanggap ni Dee ang papel at ipinarating ang kanyang intensyon na i-promote ang mga hindi gaanong kilalang destinasyon sa buong Pilipinas.
Aniya, hindi maikakaila na talagang proud siya na inirepresenta ang tanging yaman ng Pilipinas sa Miss Universe.
Bilang ambassador, nangako si Dee na lilibutin ang Pilipinas upang maipakalat ang layunin na ialok at ipagmalki ang turismo ng Pilipinas.
Inimbitahan ni DOT Sec. Christina Frasco si Dee na bisitahin ang Western Visayas at sumali sa landmark project ng DOT, ang Philippine Experience.
Nagpasalamat din si Frasco kay Dee sa pagbandera ng Love the Philippines tourism campaign sa kamakailang naganap na Miss Universe sa El Salvador.