-- Advertisements --

Tinupad na ni Michelle Dee ang kaniyang naging pangako na ibahagi ang kaniyang panalo sa “Voice for Change” na panalo sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon.

Matapos na maibigay ang $12,000 o mahigit na P684,000 ay ipinamahagi nito sa Autism Society Philippines (ASP).

Ang nasabing grupo ay kaniya ng sinusoprtahan bago pa man ang kaniyang pagsali sa Miss Universe Philippines.

Personal na iniabot ni Michelle ang tseke sa ASP sa Alta Roca na matatagpuan sa lungsod ng Antipolo.

Sinabi nito na labis na siyang natutuwa dahil sa naipamigay na ang premyo kung saan malaking tulong ito sa para sa mga pamilya na may anak na autism.

Giit nito na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong kung saan hinikayat ang publiko na tumulong din.