-- Advertisements --
Ibinahagi ni MIss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na natapos na niya ang kaniyang training bilang Philippine Air Force reservist.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng kanilang pagtatapos.
Dagdag pa nito na naging pangarap nito ang maging civilian reservist.
Dumalo rin sa graduation nito ang ina nitong si 1979 Miss International Melanie Marquez.
Magugunitang nagsimula ang kaniyang Air Force training noong nakaraang buwan.
Nakatakda rin itong sumabak sa Miss Universe 2023 pageant na gaganapin sa El Salvador sa Nobyembre.
Magugunitang ilang mga artista na naging reservist na rin gaya nina Ronnie Liang, Rocco Nacino, Dingdong Dantes at Geneva Cruz.