-- Advertisements --

Matapos ang isang tagumpay sa larangan ng pageant, pinasok na ni Michelle Marquez Dee ang industriya ng musika. Ang beauty queen at aktres ay opisyal na inilunsad ang kanyang debut single na “Reyna,” sa ilalim ng Star Music, bilang Original Pilipino Music (OPM).

Sa naging panayam sa dating beauty queen sinabi nito na ang musika ay malaking bahagi ng kaniyang career kung kaya’t aniya ay sobrang excited itong marating ang tagumpay sa musika.

Hindi naman maiwasan na ng ibang fans na kilala si Dee bilang elegante sa mga pagsali nito sa pageant dahil ang akala ng iba ay isang ballad ang kanta ng beauty queen ngunit pumili ng dance-pop genre si Michelle.

‘A lot of people might be surprised, but it’s really dance pop. I really think it’s the best way for me to tell the story in a manner that would best resonate with everyone,’ ani Michelle.

Ngayon na opisyal nang bahagi ng industriya ng musika si Dee, hindi siya natatakot mangarap ng malaki pagdating sa mga posibleng kolaborasyon dahil ibinahagi nito ang maka kolab ang sikat na Pinoy P-POP girl group na BINI.

Binigyang-diin ni Dee na parehong mahalaga ang acting at musika sa kanyang career. Nang tanungin naman kung alin ang pipiliin niya sa dalawa, sagot ni Dee, ‘I can’t answer that! I can’t! I love being able to create, I love owning my craft. Of course, you really can’t compare acting and music. I think you can merge them, definitely, but I consider myself an artist and I really can’t decide.’

Habang nagsisimula pa lamang si Michelle Dee sa kanyang musika, asahan na patuloy niyang tutuklasin ang kanyang iba pang talento.